'Di ko in-expect na magiging nakakapagod pero masaya ang araw na 'to para sa'kin. Unplanned at biglaan yung mga "events" ngayon araw kaya napuno ng adventure. Minsan talaga mas masaya kung biglaan kasi puno talaga ng kasiyahan. I won't take long, sweeties! Mags-share lang ako ng KONTI. :)
Hindi ko alam pero this past few days feeling ko sobrang pagod ako. Yung tipong tuwing gigising ako pakiramdam ko may mga tasks pa akong hindi natatapos o kailangang gawin pero hindi ko mapagtanto. Last week nga hindi ako sumabay sa mga kaibigan ko mag-break kasi madaming duties na kailangang gawin/puntahan. Sa sobrang dami ng mga bagay na 'yon, hindi ko na alam kung saan ako magffocus. Dumating nga sa point na naisip ko nang mag-quit sa isang bagay na gustung-gusto kong gawin kahit alam kong magiging mabigat yung desisyon ko. Pero nung ginawa ko ulit yung bagat na 'yun, parang natauhan ako. Natauhan ako dahil napag-isipan ko na dapat pala hindi ko iggive-up yung mga ba nagpapasaya sa'kin, na dapat ko 'tong pangalagaan dahil dito ako masaya -- sa pagkanta.
Minsan talaga sa buhay, makakaranas ka ng "stress" sa dami ng mga bagay na dapat at gusto mong tapusin. Meron akong natutunan sa labis na kapaguran na naranasan ko gawa ng pag-iisip sa kung ano nga ba ang mga bagay na dapat unahin. Pinarating sakin ng kapaguran na 'yun na mayroong mga bagay na dapat mas unahin para mas mapadali ang mga susunod pang gawain. -Chips ❤ |