Kung mahirap magbigay ng tiwala noon, mas mahirap sa panahon ngayon. Hindi mo na alam kung kanina magke-kwento o maglalabas ng sama ng loob. Hindi mo na alam kung sino ang kakausapin kapag may problema ka o may sikretong hindi mo na maitago pa. Hindi mo na alam kung mapagkakatiwalaan ba talaga yung tao o pinaplastik ka lang. Hanggang sa sarili mo na lang ikaw aasa, kahit mahirap minsan kailangan kasi sa panahon ngayon ang siguradong mapagkakatiwalaan mo lang ay ang sarili mo.
Trust/Tiwala – isang bagay na mahirap ibigay pero napakadaling sirain. Ano nga bang pumapasok sa isip ko kapag naririnig ko ang salitang “trust” o “tiwala”? Para sa akin, ang tiwala parang tinapay, maraming proseso ang kailangang daanan bago mo mabuo pero napakabilis kainin – sa isang iglap maaaring maubos; mawala. Ang tiwala, maaaring buwan o taon bago mo makuha ngunit maaari ring mawala sa isang iglap. Sa totoo lang, may mga taong bilang lang mga pinagkakatiwalaan. Siguro marami silang kaibigan pero sa totoo lang, hindi lahat ng kaibigan nila ay pinagkakatiwalaan nila nang buong-buo – yung tipong hindi lahat ng mga bagay sinasabi o kine-kwento, pili lang. At yung mga “piling” ‘yun, 'yun yung mga bagay na kahit malaman ng iba ay ayos lang dahil hindi magiging malaking issue; hindi ka masyadong masasaktan o maaapektuhan.
Minsan nga napapaisip ako kung sino ba talaga yung taong pinaka-pinagkakatiwalaan ko. Isip…isip…isip…hindi ko alam. Meron ba? Hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko lagi kong maaasahan ang sarili ko dahil ako lang ang lubos na nakakaalam kung ano ang tingin o naiisip ko sa mga bagay-bagay. Isang paraan din yun para makaiwas sa mga panghuhusga o mga bulungan dahil aminin man natin o hindi, iba iba tayo ng pananaw sa mga bagay-bagay. Kung hindi nila tanggap ang pananaw ko, maaaring mag-iba ang tingin nila sa akin – mababaw ang dahilan pero totoo.
Survey Question: Ano naiisip mo pag naririnig mo ang salitang "tiwala"?
“Love. Love because you can't trust a person you don’t love” – Tish Isleta
“Uh trust? Surrender. Surrendering whatever the situation is to that person” – Denise Muñoz
“Naiisip ko yung gano katibay ung relationship ko sa isang tao :) how well they "trust" me and
vice versa :)” – Patricia Majadas
“binibigay sa taong tapat sayo” – Mauie Mendoza
“pagbabahagi ng bahagi ng sarili no sa iba ng walang pangangamba” –Marianne Fernandez
“Seriously though, it's something that's somewhat irreparable. No matter how you try to fix it, it isn't the same as before. You have to think about giving away your trust to someone before ending up with it broken. Trust is something I don't really have in most people, and I had to learn that the hard way.” – Czar Justiniani
“hmm believing in something you are not a hundred percent sure of?” – Dior Acuzar
“uh parang papel, pag napunit di na kayang buuin ulit kahit gamitan mo ng tape, wala na” – Louise Mataya
Ikaw? Ano naiisip mo pag naririnig mo ang salitang "tiwala"?
-Chips ♥